Hilig ng mga
Pilipino ang makihalubilo sa kung ano ang mga patok na patok at
kinasasang-ayunan ngayon ng madla lalo na’t na sa estado na tayo ng modernisasyon sa kasalukuyang ating ginagalawan.
Talamak sa ating isipan na ang wika ay isang mahalagang aspeto sa ating kultura. Ito
ang nagsisilbing susi sa hindi pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat tao. Ngunit,
lingid ba sa inyong kaalaman ang pagbabagong nagaganap sa ating wika sa ating lipunan?
May pagkakaisa pa rin bang nai-uugnay ang bawat Pilipino sa isa’t-isa,
kasabay nang pagyabong ng makabagong teknolohiya?
Ano ba ang makabagong teknolohiya sa atin? Gabay tungo sa kaunlaran o
isang hadlang upang tayo’y ‘di magkaunawaan?
Sa
ating ikadalawampu’t isang siglo, higit na umusbong ang makabagong teknolohiya na tila ba
ay kada taon ay may mga papatok sa social media. Nang umusbong ang mga uri ng social
media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Youtube, tila ba’y halos
lahat ng mga Pilipino ang nakatutok dito lalong-lalo na ang mga kabataan. Dulot nito,
unti-unti na nating nakakalimutan ang ating kultura at kaugaliang Pilipino at
ang labis na naapektuhan ay ang ating Wikang Filipino.
Jejemon, bekimon, balbal,
kolokyal, at mga salitang kalye, iilan lamang ito sa mga nakakaapekto sa ating wika na dulot ng pag-usbong ng teknolohiya. Taong 2010,
umusbong ang mga cellphone kasabay ng pagsilang ng jejemon. Ngunit,
tila ba’y hanggang ngayon marami pa ring jejemon ang naiwanan na ng panahon dahil sa mga kabataan na patuloy
pa ring tumatangkilik dito.
Bilang kabataang mapagmahal sa ating wika
at kultura, sana naman ay
huwag nating hayaang tuluyan nang lamunin ng sistema ng modernisasyon ang ating kulturang kinagisnan.
Sapagkat, ang kultura ay
isang napakagandang handog mula sa ating Poong Maykapal dahil sinasalamin nito ang ating wika
at nagsisilbing pundasyon ng ating bansa.
Huwag na huwag nating pakahayahan na dumating ang panahon na kilalanin natin muli ang ating sariling pagkakakilanlan.
Hindi pa huli ang lahat, sapagkat may magagawa pa tayo.
Gamitin natin ang konsepto ng modernisasyon sa mabuting paraan upang muli nating maibalik ang ganda
at halaga ng wika at kulturang minsan nang naibaon sa limot dulot ng labis na pagkahumaling sa makabagong teknolohiya.
TAMA!!! Gamitin natin ang konsepto ng modernisasyon sa mabuting paraan upang muli nating maibalik ang ganda at halaga ng wika.Sakit.info
ReplyDeleteIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Gratification at Casino - Mapyro
ReplyDeleteGratification at Casino 문경 출장안마 - 출장안마 Mapyro, New Mexico - Find 진주 출장안마 casinos 부산광역 출장샵 with Gratification and reviews. Gratification at Casino 경기도 출장마사지 (1 mile south). Mapyro.